Pumanaw ang lola ng isang kaibigan. Naaalala kong napakabait ng lola niya sa akin. Malimit akong kumustuhin at paglutuan ng lola niya.

Nang malaman kong pumanaw ang lola niya habang nagkukuwentuhan kami, di ko maisasalita ang nadama. Tanging sandaling katahimikan ang pumagitan sa aming dalawa.


Pussycat

03Peb10

Kasalukuyang binabasa ang The Dream Songs ni John Berryman.


SPINDLE is a non-profit online journal that publishes poetry, prose, artwork, and essays. Reviews and interviews on literary and visual art, long poems, collaborations, sequential art, and works from a series are also welcome.

To be considered, send your work in .pdf or .doc format —in either Filipino or English—to spindle.ph@gmail.com. Please include SUBMISSION in the subject line.

Submissions are read year-round. New spindles will appear every six months on the official Spindle website. For now, you may follow the developmental blog at spindlejournal.tumblr.com.

The first SPINDLE will come out in June 2010.


CURATOR

Kung may panahon,
ililibot kita.

Paiikliin natin ang kuwento.
Patayin ang mga ilaw.

Sa pagitan nito at ngayon,
sa akin ipinatitipon

ang mga tipak.
Minsan, nabubuo

ang isang banga o bungo.
Inilaan ang walang-hanggan

para aking gugulin. Ako
ang tanging walang kasaysayan.

SANTERO

Nilikha ko ang Diyos sa aking imahen.
Ang tapyas ay binigyan ko

hindi lamang ng hubog
kundi kabuuan.

Pakaisipin ang nakasalalay
sa mga kamay na ito.

Kung mapariin ang pukpok.
kung dumupilas ang talas,

magiging uka ang mata o mata ang uka.
Hindi ko maatim ang muling lumilok,

isang kahambing ang anumang sumunod.
Mananatiling perperkto ang likha.

ABORSIYONISTA

Sa ayaw mo’t ginusto, akin
para utasin.

Hanggang hindi pa patay,
hindi kaninuman.

Punasan ang lababo
ng mga tigmak ng dugo,

at huwag mo akong tingnan
na para kang nalamangan.

Ako ang nagbasa, natuto
kung paano. Ikaw

ang nag-abot sa liwanag
ng instrumento: silaw ng talim.

KAMIKAZE

Namamakipak sa pulbura ang nguso
ng pagwasak.

Hinahasa ng hangin ang tuon, tinik
sa lalamunan ng papawirin.

Umugoy ang barko.
Natanto ng mga marino

na hindi laging kapantay ng dagat
ang panganib.

Ngunit ano ang makapagmamatigas
sa pagitan ng tubig at langit?

Hanggang mahigpit ang hawak,
hanggang hindi bibitaw ang timpi.

ARSONISTA

Akala ko, likas lamang
ang hangad kong manatiling buhay

ang apoy. Lubhang madilim.
Mahigpit ang yakap ng lamig.

Nagtutumpukan ang mga gusali
at tabi-tabi ang mga bahay

kung saan hindi ako nakatira.
Ako noon ang musmos

na ang tanging laruan at pag-aari
ay kisap ng isang napulot na layter.

Akala ko ay panggatong
ang buong mundo.


Mata

18Dis09

Lumabas na ang pinakabagong tomo ng Matanglawin (Tomo XXXIV Bilang 3, 2009). Naroon ang tatlong Mata, mga tulang naisulat ko noong tag-araw.

Alay ko sila kay Jenica para sa kaniyang walang sawang pananampalataya.


Nanalo ng American National Book Award, para sa tula, ang isa sa mga paborito kong makata, si Keith Waldrop. Kasama sa nalahok sa short list si Ann Lauterbach, na labis ko ring hinahangaan.

Narito ang magandang balita.

Sa di inaasahan, may Facebook account na ako.


Heaven was originally precisely that: the starry sky, dating back to the earliest Egyptian texts, which include magic spells that enable the soul to be sewn in the body of the great mother, Nut, literally “night”, like the seed of a plant, which is also a jewel and a star. The Greek Elysian fields derive from the same celestial topography: the Egyptian “Field of Rushes”, the eastern stars at dawn where the soul goes to be purified. That there is another, mirror world, a world of light, and that this world is simply the sky—and a step further, the breath of the sky, the weather, the very air—is a formative belief of great antiquity that has continued to the present day with the godhead becoming brightness itself: dios/ theos (Greek); dues/ divine/ Diana (Latin); devas (Sanskrit), daha (Arabic), day (English).

–Susan Brind Morrow, Wolves and Honey

Quote found in Campbell McGrath’s poem Nights on Planet Earth

My translation and interpretation of Nights on Planet Earth: Ilang sandali sa lupa


Reading List

13Okt09

“Upang makilala muli ang aking panulat, hindi ko hinarap ang papel nang tatlong buwan. Ganoon katagal dumating ang himig.”‘
–Chan Momforte

Kasalukuyan akong naghahanda para sa tulang Ang Nawawala.

Narito ang aking reading list hinggil sa pagtula para sa bakasyon:

Illuminati: Ilang Tala sa Proseso ng Pagtula ni Allan Popa

Taludtod at Talinhaga ni Rio Alma

“The Language of Poetry” ni Kenneth Koch

“Paradox” nina David Mason at John Frederick Nims

“Image” ni Ellen Bryant Voigt

“Fine Lines” ni Chingbee Cruz

“The End of the Line” ni James Longenbach

“An Interview–With Mark Halliday” ni Frank Bidart

“Disruption, Hesitation, Silence” ni Louise Gluck

“The Forbidden” ni Louise Gluck

The Night Sky ni Ann Lauterbach

Mga koleksiyong may kinalaman sa Ang Nawawala:

Parang, hindi man lang nakita, Ilahas ni Ayer Arguelles

elsewhere held and lingered ni Chingbee Cruz

Pag-aabang sa Kundiman ni Egay Samar

Muli ni Rosmon Tuazon

Agaw-Liwanag ni Bomen Guillermo

Libot ng Durungawan ni Allan Popa

Halimbawang tula sa pag-aaral ng punctuations:

“Life of Towns” ni Anne Carson

Ilang makatang masinop na nag-aaral ng linearity:

Frank Bidart
Carol Snow
Donald Revell
Louis Gluck

Dapat nabasa na:

“A Retrospect”, ABC of Reading ni Ezra Pound

“Tradition and the Individual Talent” ni TS Eliot


Sa isang pagsasanay sa pagtula noong Disyembre 2008, nilatag ni Edgar Samar na: Mga salita ang ginagamit sa panitikan. Nakaangkla sa partikular na pag-aaral sa tula, pinunto ni Samar, kung ang salita ang pangunahing imahen ng panitikan, mahalagang maunawaan ng manunulat ang pagmamalay sa kalikasan at kapangyarihan ng salita, na ani Allan Popa, malimit “naglalaho ang hilana sa labis na liwanag ng paliwanag”.

Ang hiwaga ng salita ay higit na nagiging mahiwaga sa matimpi at maingat na pagpili ng manunulat sa tunog, hugis, kahulugan ng mga salitang kakatawan sa isinusulat. Alinsunod sa lohikang “the line is the basic unit of a poem (o mas tamang sabihin, ng piyesa)”, esensyal na maliwanag sa manunulat, ayon kay Mary Oliver, ang preciseness ng salita (ang ikaapat na elemento bukod sa tunog, hugis, kahulugan) sapagkat sa salita nagmumula ang linya, ang piyesa sa linya, et al. Kung gayon, nakikita rito ang tambisan ng iba-ibang agham: ang salita at linya, linya at puwang, puwang at anyo, anyo at sensibilidad, sensibilidad at proyekto, proyekto at layunin, layunin at pinagmumulan.

Sa konstalasyon ng salita masisipat ang pinagmumulan. Sa ganang ito umuusbong ang samotsamot na talakayan, pagsasalin, at pagmumulintuklas sa pinagmumulan, proyekto at politika sa pahina. Ang proseso ng paglapat ng salita (mapping, kung nais tawaging teknikal)—katuwang ang pagbabasa at ang buong akto ng pagsusulat—ay isang uri ng adaptation: ang pagsasakatawan ng tunog, hugis, kahulugan, preciseness (ng kahulugan at pinagmumulan) sa salita; ang pagsasakatawan ng mga salita sa linya; linya sa puwang; puwang sa anyo—ang konstalasyon ng salita—ang layunin sa pinagmumulan at ang pagbabalik sa katawan ng pinagmumulan sa salita—salita sa pahina at sa uniberso ng pantikan. Sa laya ng politika ng panitikan, ang tambisan ng tula at di-tula.

Sinimulan noong 60s ni Jose Garcia Villa ang masusing pag-aaral sa politikang humahalimuyak mulang mga salita. Ang mga tensyon at pagkakataong lumikha mula sa politikang ito. Tinawag niya itong Adaptations.

Ang Adaptations: A Note on the Adaptations
(Sinipi ko ang buong tala ni Villa mula sa Doveglion: Collected Poems na inilathala ng Penguin Classics.)

The Adaptations are poems: from prose.

They are experiments in the conversion of prose, through technical manipulation, into poems with line movement, focus and shape, as against loose verse.

The work, apart from the choice of material, has consisted mainly in constructing in verse what originally exists as prose, These adaptations spring from a diversity of sources: from published letters, journals, notebooks; as well as from sources the [sic] least expected to yield poems: magazine items and captions, letters to the editor, newspaper editorials, book reviews, even advertisements. In the choice of material one of course uses one’s selective eye.

All the adaptations are in the words in the original texts. I [Villa] have added nothing to which cannot be found in them. On the other hand, in the interests of poetry and to achieve the tightness of verse, I have in some cases excised words (usually connectives or extra adjectives) or even whole phrases or clauses if inessential to my purpose. Punctuation has been altered to suit the movement of verse.

A few of these adaptations are Collages. I have borrowed the term from painting. The collages are adaptations where the sequence of the original text has been disturbed, where there has been, more or less, a pasting together. In the collage of the bullfight poem, for instance, taken from captions accompanying a photographic essay in Life Magazine, the sequence of lines is not as in the original text, but pierced together in a new order and made subservient to the ends of the poem. In another collage the poem derives from two different sections of a book yet achieves a unit effect.

In connection with this experiment of converging prose into poetry, William Carlos Williams has something pertinent to say in his Selected Letters, “Prose can be a laboratory for metrics. It is lower in the literary scale, but it throws up jewels which may be cleaned and grouped.” This expresses very well what I tried to do.

JGV

Kaunlaran ng Adaptations
Isang maunlad na pag-aaral ng Adaptations ang ginawa ni Marc Gaba sa kaniyang koleksiyong Fili, na adaptation sa isinaling bersyon ni Charles Derbyshire ng El Filibusterismo ni Jose Rizal (nalimbag bilang The Reign of Greed noong 1912). Ayon kay Gaba, sa Notes on Composition , nakatha ang mga tula at ang kanilang pamagat sa pagkaltas ng wika, espisiko ang salita—gayon din ng banghay at malaon, ang kakanyahan ng mga sigalot ng tauhan—mula sa mga kabanatang pinili base sa tematiks sa nobela.

Binigyan ni Gaba ang Adaptations ng makabagong dimension:

“From the pages of the artefactual, printed material, language was subtracted to produce three fragments that were subsequently transferred to these pages as three parallel lines. The chapters of Fili may be read in the traditional way (vertically, top line first and so on) and at the level of line placement: all upper lines, page after page, or all lower or all middle lines.

Each chapter of Fili is intended to function as three separate, parallel lyrics weaving together to produce a longer poem.”

Sa hanay ng mga inaabangang manunulat, tinatangka ni Petra Magno, sa Soft Floors, isang progresibong pag-aaral sa hanggahan at dimension ng pagtula, sa ekphratikong pamamaraan—sa pagsisipit at pagkakaltas at paghahabi ng mga salita mula sa mga piyesang orihinal—na isiwalat ang natatagong tensyon sa mga ugnayan ng salita sa kakanyahan ng pahina at sa uniberso ng teknik at politika sa pagsusulat.

Patakaran sa Ating Pagsasanay
Alinsunod sa tala ni Villa, iiral ang pagsasanay sa parametrong hindi nabanggit ni Villa. Gamit ang konsepto ni Gaba, hindi bababa sa dalawang pahina ang gagawing Adaptations. Maaaring magbalasa ng salita, magdagdag ng prepositions at punctuation words (mga salitang walang kahulugan kung hindi itatambal sa ibang salita). Upang palalimin ang pagsisiyasat sa hanggahan ng tensyon ng salita at pahina, kahawig sa istrukturang ipinanukala ni Gaba, tatlo hanggang limang linya lamang ang pahihintulutan sa bawat pahina, na maaaring basahin sa pamamaraang tradisyunal o tuluyang-pahina (line placement).

Hindi kinakailangang tula ang magsakatawang-tao (alinsunod sa terminong ginamit ni Hermund Rosales). Kasiya-siyang makitang may produkto sa iba-ibang genre.

Para sa may kopya, maaaring gamitin ang anumang piyesa o kombinasyon ng piyesa/ salita ng Tomo LVII Bilang 1 ng Heights (2009, ADMU) bilang basehan ng Adaptations.

Para sa karagdagang impormasyon sa inaasahang anyo ng Adaptations, magsangguni sa tala ni Marc Gaba.

Narito ang isang halimbawa, mula kay Petra Magno.


Tenses are points of reference. They clarify hesitations sa text.

So used to reliable, confessional personas, why not write a persona of multiple identities, parang psycho ba, confused and defused, not necessarily tangential sa aspektong presented, or malayo ang mga karanasan sa reader, say a kaleidoscope persona—visual at nahaharaya, yet shattered with color

Instead of pronouns, lalo na ang nasa first person POV, bakit, kung susulat ng autobiographical poem, o yung tula na ang lunsaran ay ang karanasan, hindi gamitin, as Sir (Allan) Derain points out, use names, if the poem is written by Pedring, why not Pedring write “Pedring”? “And Pedring drew/ a gun-/ flower …”

Larry (Ypil) poses the questions to the young writer: What do I want to explore? What is the best way to explore?

Larry: When I think of riddles, I think of communities (see Imagined Communities by Benedict Anderson).

When must one write specific? Dapat I write significant.

Dramatic Situation and Dramatic Progression

Ang nakayayanig na pamagat, may nililihad na tatlong bagay: tension, tension, tension.

Write as essay before as poem. Doon malalaman ang ugnayan, saka pipintig ang sensibilidad.

Beni (Santos): Me idiyoma ang lola ko: May hika na ang bata, ninanana mo pa.

The student of poetry is never greater than the master; a student is not proud.

Beni: citing of Walter Benjamin: thinking: creation: Man’s island: agriculture and markets and capital: simula ng manufacture, infrastructure, substructures, superstructures, suprastructures

Nagtagumpay ang mansanas na maging mansanas sa tula.

Among all these texts, and intertexts, which one do I highlight?

Transitional devices judge; think: ngunit (negation), therefore ([what] conclusion[!]), in addition (the following statement is not primary) etc.

On Fidel Rillo: kaniya ang tugma’t sukat na di batid. Ang mahusay na pagtutugma at pagsusukat ay yung di namamalayan ng mambabasa ang tugmaan at sukat dahil kay gaan ng tula, tipong hinihinga (to use Rizal’s words) ang pagtula/ pagbasa/ pag-unawa sa tula.

Two values of a short story: time value (how less, how full), spine

The wise’s language is silence.

Kapay-kapay (BIK): baliw

Dead metaphors work pag nanunumbalik ang textuality/ meaning ng mga ito.

Sa ekphrasis, hindi launch pad ang orihinal na piyesa; ang bagong piyesa ay bagong bersyon, bagong pagsipat, sa nauna. Dapat kabisado at lubos na nauunawaan, nakaukit sa palad, ang orihinal na piyesa. Mahalagang itanong: what are the contexts, histories, sensibilities of the original piece?

Tinataboy ni Sir Derain ang hirarkiya ng kahulugan ng linya, na sa tingin ko, mahalaga sa pagpapalalim sa piyesa, lalo na sa pagtukoy sa imaheng sentral. Gayumpaman, napangangatwiranan na kahit Formalismo ang gamit, maraming paraan pa rin upang atakihin ang piyesa. Walang iisang landas sa Formalismo.

Importante pa rin sa dramatic progression, sa tingin ko, na di mawala ang hirarkiya ng kahulugan.

Egay (Samar): Hindi tayo naghahanap ng dramatic situation sa antas ng konsepto.

Vim (Yapan): There are forms na conducive sa paghahanap ng moral lesson.

Here’s an attempt na bumuo ng scheme sa pagbuo ng layers sa kuwento: Isipin ang Venn Diagram. Sa left zone ng diagram, ang public layer/ dimension ng kuwento: kung paano makikita ang mga problemang nakaangkla sa public space. Sa right zone, ang private: ano yung mga bagay na tila ang pangunahing tauhan at ang may-akda lang ang nakaaalam? Sa middle zone, ang zone na technically for the commonalities, narito ang fantastic space: kung paanong pinag-uugnay ng mito et al, secrets, theories at ideologies, sincerities at sensibilities ang public at private spaces.

Mahalagang itanong ang sumusunod sa pagbuo ng kuwento, sa pagtuklas sa respective spaces, as implied sa nature ng mga tanong: How do we deal with each other, as characters (kung binubuo ng may-akda ang kaniyang mga tauhan), as human beings? How do relationships change? Perspectives? What are these changes and how are these associated with both the public and private spaces? What fantastic element unites these changes?

Bakit kailangang laging marami ang characters? Bakit kailangan laging may characters? Parang flat ang dimension ng iisang reference character; all the burden ay nasa “speaking-acting” character (astig!).

Milan Kundera realization: the physical and the personal need not be a dichotomy.

Ang nobela, walang specific form(ula) kaya ito nobela, at di fable, short story, dagli etc. Pag inaral ang nobela, walang (n)(m)agiging canonical analysis sa istruktura kung for novel’s structure’s sake lang.

Sa bawat gagawing proyekto, payo ni Sir Derain, mapa-tula, mapa-kuwento, magtabi ng isang kuwaderno, hiwalay sa dyornal na bitbit sa araw-araw. Bago matulog, isalin sa respective notebooks ang ideas na naitala sa dyornal.

Two major schools of thoughts, according to Egay, hinggil sa taming ideas: kung remarkable ang idea, kahit di isulat, kusa itong babalik; o, laging magbaon ng dyornal, di natin alam kung kalian magpapakita, tulad ng aparisyon, ang idea.

Tenses=tension (present tense=stronger tension)

Marami sa notes ko sa Heights Workshop ay hinggil sa prinoproyekto kong piyesa, na binigyan ng project proposal ultimatum ni G. Derain. Pag nagkaoras ako, susubukin kong i-transcribe ang mga ito nang makatulong sa iba.